Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang ₱12 milyong halaga ng puslit na sibuyas sa Tagoloan, Misamis Oriental kamakailan.
Sa report ng BOC, ang nasabing kargamento na sakay ng apat na container van na nauna nang idineklarang naglalaman ng "Spring Roll Patti" ay nasabat sa Mindanao Container Terminal Port nitong Martes.
Naka-consign ang agricultural products sa Primex Export and Import Producer. Nagmula pa sa China ang kargamentong dumating ito sa bansa nitong Hulyo 12, ayon sa ulat ng BOC.
Sinamsam ang kargamento sa bisa ng warrant of seizure and detection na inilabas ng BOC dahil sa paglabag sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
Pagmamalaki naman ng BOC, ito na ang ikalawang pagkakataong nakaharang sila ng kargamento sa loob ng dalawang linggo.