Nananatiling single ang tinaguriang “Fearless Diva” na si Jona Viray. Hands-on ngayon ang singer sa pag-aalaga ng kaniyang mga nireskyung aso at pusa.

Sa isang panayam kamakailan, natanong ang 32-anyos na singer ukol sa kaniyang love life, bagay na wala pa rin ang singer dahil sa isang personal na adbokasiya.

“Ang pinagtuunan ko talaga ang mga rescues naming, mga pet rescues po,” saad ni Jona sa ilan taon na niyang pagkupkop sa mga inabandonang hayop sa lansangan.

Aniya pa, sa mga alagang aso at pusa niya naibubuhos ang kaniyang pagmamahal.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

"Bilang lahat po sila that time nasa loob ng house ko, ‘pag may nagkakasakit na mga animals, nandoon ka talaga to care for them," pagbabahagi ni Jona na naging hands-on siya sa pag-aalaga sa mga pet rescues lalo na noong kaputukan ng pandemya.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi rin ng singer na naglalaan siya ng nasa P70,000 badyet kada buwan para sa animal care ng kaniyang rescues.

Basahin: Jona, gumagastos ng ₱70K kada buwan para sa mga alagang aso at pusa – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagaman challenging, sa napiling adbokasiya nasumpungan ni Jona ang kaniyang self-fulfillment.

Malaking tulong din para sa singer na naging masinop siya sa kaniyang pag-iipon dahilan para ma-survive niya, at ng kaniyang mga alagang hayop ang pandemya noong 2020 at 2021.

Nang mamahinga sa showbiz noong nakaraang taon, ibinahagi ni Jona ang pinagkaabalahang animal shelter na kaniyang ipinatayo para sa mga pet rescue.

Basahin: Jona Viray, nagpatayo ng animal shelter para sa kanyang higit 70 rescued cats and dogs – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid