Ang paglikha ng mga trabaho ang isa sa mga pangunahing tinututukan ng pansin ngayon ng Manila City Government, bilang bahagi ng pagsusumikap na mabigyan ng pagkakakitaan ang mga residente, partikular na ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa Covid-19 pandemic.

Kaugnay nito, sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes na isang job fair ang binuksan nila sa Maynila noong Linggo upang matugunan ang unemployment sa lungsod.

Katuwang si Public Employment Service Office head Fernan Bermejo, pinangunahan ni Lacuna ang pagbubukas ng naturang job fair sa Park ‘N Ride area sa Lawton, malapit sa Arroceros Park.

Ayon kay Lacuna, magtatagal ang job fair hanggang sa Huwebes, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Kaugnay nito, iniulat rin naman ni Lacuna na simula pa noong Hulyo 1, umaabot na sa 2,479 unemployed individuals ang nabigyan ng trabaho ng city government, sa pamamagitan ng inisyatiba ng PESO at sa tulong ng pribadong sektor.

Inanunsyo rin niya na ang special program for employment of students (SPES) ng lungsod ay nananatiling bukas, at may 56 slots para sa pamahalaan at 112 slots para sa McDonald’s.

Ayon sa alkalde, ang senior high school, college at techvoc graduates ay maaaring mag-aplay para sa government internship program (GIP) ng PESO, na isinasagawa sa pakikipag-koordinasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE).