'Nakisawsaw' ang TV personality na si RR Enriquez sa trending na sagutan sa social media nina Kapamilya singer Janine Berdin at dancer-social media personality DJ Loonyo, dahil sa usapin ng isang meme.

Matatandaang hindi ikinatuwa ni Rhemuel Lunio (tunay na pangalan ni DJ Loonyo) ang pagpapalit ng cover photo ni Janine Berdin, batay sa kumalat na meme na online petition na nais palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing ‘DJ Loonyo International Airport.’

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/13/dj-loonyo-international-airport-meme-na-cover-photo-ni-janine-berdin-inalmahan-ng-dancer/">https://balita.net.ph/2022/07/13/dj-loonyo-international-airport-meme-na-cover-photo-ni-janine-berdin-inalmahan-ng-dancer/

Marami rin ang nagtatakang netizen kung bakit ginawa ito ni Janine gayong hindi naman daw sila close ni DJ Loonyo.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Hulyo 18, nagbigay ng komento si RR tungkol sa pinag-usapang bardahan online.

Screengrab mula sa FB/RR Enriquez

"Jusko pati pagpalit sa name ng airport pinagtatalunan.. Ito pang dalawa na ito. Nakakadagdag ng problema sa Pinas!!

Yung isa nag joke yung isa hindi nagustuhan yung joke panget kabonding CHAROT," ani RR na nakilala bilang co-host ni Willie Revillame noon sa noontime show na "Wowowee" sa ABS-CBN.

May suhestyon naman ang "SawsaweRRa Queen" sa kanilang dalawa.

"Ako na lang ilagay n'yo kung ayaw n'yo RR ENRIQUEZ international airport. Mukhang maganda pakinggan," pabirong banat niya.

Sa puntong ito ay naging seryoso na siya sa pagbibigay ng saloobin tungkol sa napabalitang paghahain ng panukalang-batas ng isang solon na palitan ang pangalan ng NAIA at ipangalan kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.

"On a serious note I am a Pro-Marcos alam n'yo 'yan, isa ako sa mga tagapagtanggol at nakikipagbardagulan kapag may mga haters sila obviously."

"But in my own honest opinion, since we want to portray the image of unity, maybe let’s not put the name Marcos International Airport coz it will only divide us… Kasi marami pa rin hindi mag-aagree. Marami rin may ayaw ng Ninoy Aquino International airport… Kaya tanggalin na talaga ng wala na tayo pinagtatalunan."

Sa bandang dulo ay bumalik ulit si RR sa kaniyang hirit.

"Kaya nga my suggestion is RR ENRIQUEZ INTERNATIONAL AIRPORT. Bye. Sa totoo nanggulo lang ako," aniya.