Mahigit 5,000 elementary at senior high school graduates mula sa mga pampublikong paaralan sa Navotas City ang nakatanggap ng cash incentives mula sa lokal na pamahalaan.

Sinabi ng pamahalaang lungsod na 3,810 Grade 6 students ang tumanggap ng tig-P500, habang 2,067 Grade 12 graduates ang nabigyan ng tig-P1,000. Ang pamamahagi ay ginanap noong Hunyo 14-15.

Isa sa mga nakatanggap ng nasabing insentiba ang Science, Technology, Engineering, and Math STEM graduate ng Navotas National High School (NNHS) na si Isajean Caindoy.

"Syempre, grateful kami na our hardwork is recognized and this will become an inspiration sa mga iba pang batang Navoteño na pag-igihan din nila ang kanilang pag-aaral," saad ni Isajean na grumadweyt na may mataas na parangal.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito naman ang hangarin ng pamahalaang lungsod sa naturang inisyatiba, anang alkalde ng lungsod na si Mayor John Rey Tiangco.

“We want to honor and show our appreciation to our graduates for pursuing their education, especially despite the challenges of the pandemic. The past school years have been difficult, but they persevered with the help and guidance of their parents and teachers,” ani Tiangco.

“We hope that through this incentive, our students will be motivated to finish their schooling or help them in their pre-employment needs,” dagdag niya.

Sinimulan ng lungsod ang pamamahagi ng mga insentibo sa pagtatapos noong 2019.

Aaron Homer Dioquino

Aaron Humoer Dioquino