Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang mga residente at establisimyentosa ilang lugar sa Maynila, Makati, Pasay, Las Piñas, at Parañaque na mula 18 hanggang 36 oras, simula Biyernes, Hulyo 15 hanggang Sabado, Hulyo 16.

Sa abiso ng Maynilad Water Services, Inc., ang water service interruption ay bunsod ng kukumpunihing pipeline ng tubig Maynilad sa Pureza St. sa Maynila.

Dakong 1:00 ng umaga, Biyernes, mararamdaman ang pagkawala ng suplay ng tubig at7 inaasahang matatapos ng 11:00 ng gabi ng Sabado.

Kabilang sa mga apektadong lugar sa mga syudad ay mga Barangay 719, 726 to 733, 745; Brgy. Bangkal sa Makati; BF Homes, Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, San Isidro, San Martin De Porres, Sucat, Sun Valley sa Paranaque; Brgy. 1, 3, 7, 9, 14, 15, 18, 20, 23, 33, 37, 41 to 49, 51 to 53, 56 to 59, 63 to 68, 71 to 75, 80, 81, 84, 85, 86, 89, 91, 93 to 99, 101, 104, 106 to 110, 112 to 115, 118, 120, 122, 123, 125, 126, 128, 130, 131, 133, 135 to 138, 140, 142, 181 to 185, 201 sa Pasay City.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sa Maynila, dakong 11:00 ng umaga sa Biyernes ay magsisimula ang water interruption sa Brgy. 383 hanggang 428, 430, 431,433 hanggang 435, 457 hanggang 461, 570, 571, 576, 587 hanggang 648, 659 hanggang 664, 666 hanggang 672, 674, 676 hangang 685, 696 hanggang 701, 734, 821 hanggang 853, 855 hanggang 865, 867, 868, 870 hanggang 872, 587-A, 659-A, 660-A, 663-A, 664-A.

Dakong 8:00 ng gabi ng Hulyo 16, mawawalan naman ng tubig sa Brgy. 383 hanggang 428, 430, 431,433 hanggang 435, 457 hanggang 461, 570, 571, 576, 587 hanggang 648, 659 hanggang 664, 666 hanggang 672, 674, 676  685, 696 hanggang 701, 734, 821 hanggang 853, 855 hanggang 865, 867, 868, 870 hanggang 872, 587-A, 659-A, 660-A, 663-A, 664-A.

Wala namang suplay ng tubig dakong 6:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi ng Sabado, sa BF International, CAA, D. Fajardo, E. Aldana, Ilaya, Manuyo Dos, and Manuyo Uno sa Las Pinas.

Sa Pasay City, apektado rin nito ang Brgy. 10, 13, 26, 28, 30, 31, 38, 39, 40, 76, 77, 78, 145 to 153, 156, 159, 161 hanggang 163, 165 hanggang 167, 169, 171 hanggang 175, 178, 179, 181, 183, 184, 186 hanggang 195, 197 hanggang 200.

Sa Parañaque, mawawalan din ng water supply ang Baclaran, BF Homes (Calcutta-BF Homes, Florence, Francisco/Aguirre, Jakarta A, Kirishima, El Grande, North West-Carmella Homes), Don Galo, La Huerta, Moonwalk (Daang Batang, Gulayan, Kaingin, Multi Phase 4, Purok 7, Silver Homes), San Dionisio, San Isidro (F.C. Santos Compound, Fortunata, Justina Village, Lopez, Lopez/Dr. A. Santos, Lourdez, North West-Carmella Homes, Salvador, Sav-2/Topland, Silverio, Ups-5, Villa Mendoza, Vitalez), Sto. Nino, Tambo, at Vitalez.

Aabot sa 18, 24, o 38 oras ang water interruption depende sa lawak ng pinsala.

Sinabi naman ni Maynilad spokesperson Jennifer Rufo, nasa 232, 000 koneksyon ng tubig ang inaasahang apektado.