Hindi raw posibleng umakyat sa ₱15 kada piraso ang presyo ng itlog ng manok, ayon sa grupong Agricultural Sector Alliance of the Philippines Inc. (AGAP), sa kanilang pahayag nitong Martes, Hulyo 12.
Puwede umanong pumalo sa ₱10 hanggang ₱15 kada piraso ng itlog ang aasahan ng mga konsumer, dahil sa patuloy na pagtaas ng production cost at banta ng sakit na "bird flu".
Ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, nagmahal daw ang feeds o mga pagkaing patuka sa mga manok. Sa nakalipas na 14 buwan daw ay may over supply ng itlog kaya mababa ang presyo, subalit ang problema raw ngayon, nagkalugi-lugi umano ang mga layer farm owner at marami na rin ang huminto.
Kulang na nga raw ang suplay, nadagdagan pa dahil sa banta naman ng bird flu.
Ayon sa ulat, kasalukuyang pumapalo sa ₱5.90 hanggang ₱7.20 ang presyo ng itlog kada piraso sa ilang mga pamilihan.
Pinag-aaralan na umano ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang magiging epekto sa kakulangan ng suplay ng itlog, sa pagtama ng bird flu sa ilang layer farm sa Central Luzon.