Pinalawig pa ng Supreme Court ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon para sa mga nais kumuha ng 2022 Bar examinations.

Sa abiso ng Korte Suprema, itinakda sa Agosto 15 ang huling araw ng paghaharap ng mga requirements para sa pagsusulit.

Layunin ng hakbang ng SC na mabigyan pa ng sapat na panahon ang mga kukuha ng exam na maihanda ang kanilang documentary requirements.

Ayon sa kataas-taasang hukuman, dati na nilang itinakda sa Hunyo 13 hanggang Hulyo 15, 2022 ang panahon ng pagsusumite ng papeles o aplikasyon ng mga nagnanais na kumuha ng examination.

National

Erwin Tulfo, tatakbo raw na senador sa 2025 dahil kay PBBM

Itinakda ng Korte Suprema ang pagsusulit sa Nobyembre ng taon.

PNA