Nagbigay ng reaksiyon ang showbiz columnist na si Ogie Diaz sa napabalitang paghahain ni Pampanga 3rd District Representative Aurelio Gonzales Jr. ng Resolution of Both Houses No. 1, na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution, kabilang na ang panukalang tandem voting, terminong limang taon para sa President at Vice President na may isang reelection.
Para kay Ogie, hindi muna ito napapanahon dahil mas marami pang dapat tutukang mga suliranin ng bansa.
"Saka na muna ito. Trabaho muna," ani Ogie.
Kung ito raw ang magiging solusyon upang mai-ahon ang bansa, makabuo ng mga trabaho, at makapagbigay ng ayuda sa bawat pamilyang Pilipino, baka puwede pa raw itong mai-push, sey ni Ogie.
"Kung ito ang makakapagpabangon ng bansa, makaka-create ng maraming trabaho at makakapag-ayuda sa pamilya ng 10k kada buwan, by all means… Gooooow!!!" ani Ogie.