Inaasahang papalo sa₱400 milyon ang jackpot ng 6/55 Grand Lotto sa isasagawang draw ngayong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), inaasahan na ang pagdagsa ng mga mananaya bago ang bola nito dakong 9:00 ng gabi.

Nitong Lunes, Hulyo 4, walang nanalo sa jackpot nito na13-01-50-10-51-54341 milyon nang hindi mahulaan ang winning combination na42-06-09-29-33-01.

Nilinaw ng PCSO, halos tatlong buwan nang walang nananalo sa jackpot kaya pataas nang pataas ito.

National

Neri Colmenares, first nominee ng Bayan Muna Party-list sa 2025 elections

Sa rekord ng PCSO, isang taga-Abucay, Bataan ang huling nanalo ng jackpot ng 6/55 Grand Lotto na aabot sa₱29,700,000 matapos nitong mahulaan ang winning combination na13-01-50-10-51-54noong Mayo 15, 2021.

Binobola ang 6/55 Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.