Nagsimula na nga ang "Angat Buhay" dating Vice President at ngayon ay chairperson nitong si Atty. Leni Robredo, na sa unang araw pa lamang ay pumalo na umano sa milyong piso ang mga nakalap na donasyon, sa kanilang Likha ST + ART Festival na ginaganap sa Volunteer Center sa Katipunan, Avenue, Quezon City.

"Sa unang araw pa lang, lagpas isang milyon na ang nalikom natin mula sa mga donations na gagamitin natin para sa mga programa ng Angat Buhay, kaya maraming, maraming salamat!" saad sa caption ng post sa opisyal na Facebook page ng Angat Buhay.

At sa pangalawang araw naman ay pumalo na raw ang kanilang mga nakalap na pondo sa ₱1.7M.

"Tuloy ang saya kanina sa Day 2 ng ating LIKHA Street + Art Festival! Umabot na sa ₱1.7 million ang nalikom natin mula sa mga donasyon para sa ating mga programa sa Angat Buhay. Maraming, maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa bago nating kabanata!"

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Masayang-masaya naman si dating VP Leni sa naging mainit na pagtanggap sa panibagong kabanatang ito ng Angat Buhay.

"Excited for all the good work we will do in Angat Buhay. We have so much to look forward to, as we continue to help our fellow Filipinos in the areas of food security, nutrition, and universal health care; public education; disaster relief and rehabilitation; and community engagement."

"Nakakataba po ng puso ang inyong suporta para sa pagsalubong natin sa bagong kabanata ng Angat Buhay! Unang araw pa lang, higit isang milyon na agad ang nalikom natin para sa mga artworks at donations. Maraming-maraming salamat po."

Ang latest FB post naman ni Robredo ay pagpapasalamat niya sa ₱1.7M sa Day 2 pa lamang.

"Maraming-maraming salamat sa patuloy niyong pakikiisa sa Angat Buhay! Sa loob ng dalawang araw ng ating LIKHA Street + Art Festival, nakalikom na tayo ng ₱1.7 million mula sa mga donasyon na gagamitin sa ating Angat Buhay programs. We are so thankful for the outpouring of support and well-wishes in this new journey," aniya.