Pinasalamatan ni dating Senador Manny Pacquiao si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ipinagdasal naman niya ang bagong Pangulo na si Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. 

"Thank you, President Rodrigo Roa Duterte, for serving our country. Napakaraming problema at pagsubok ang hinarap ng iyong administrasyon, ngunit patuloy kang nagsilbi sa ating bayan," saad ni Pacquiao sa isang Facebook post noong Miyerkules, Hunyo 29, isang araw bago ang pagpapalit ng administrasyon.

"You remained steadfast as you complete your term as Chief Executive of the Philippines, and we congratulate you for that," dagdag pa niya.

Samantala, ipinagdasal naman ng Pambansang Kamao ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"We join you in praying for the success of the next administration under President-elect Bongbong Marcos," ani Pacquiao.

"May the Lord bless our beloved Philippines with His wisdom and grace as we confront tougher socio-economic challenges. Ipinapanalangin namin ang tagumpay ng bagong administrasyon at ng bawat Pilipino," saad pa niya.

"Maraming salamat, PRRD! Godspeed, BBM! Mabuhay ang Pilipinas!"

Matatandaan na natalo si Pacquiao sa presidential race sa nagdaang eleksyon 2022.