Binigyang pugay ni Chito Miranda ang gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gabriel Chee Kee na kumanta at sumulat ng bonus track at kauna-unahang kanta ng banda na tumabo ng 100M streams sa Spotify.

Ang sikat na kanta na kadalasa’y tinatawag na “One and Only You” sa mga karaoke session ang kauna-unahang track ng PNE na umabot sa panibagong tagumpay ng banda sa online streaming platform.

Sinundan ito ng mga tracks na “Harana,” “Gitara,” at “Halaga” na pare-parehong nakatungtong na sa 40M streams sa parehong platform.

Kinilala naman ng founding member at lead singer ng banda na si Chito ang gitarista na si Gabriel, ang nasa likod ng tinawag niyang “greatest hit of all time” ng Parokya.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

“Kanta ni Gab!” saad ni Chito sa kaniyang Instagram post, Lunes.

Dagdag niya, “Hindi talaga nakasalalay ang kalakasan ng banda sa bokalista lamang.🤟🏼😎❤️”

Ang kantang “Your Song” ay bahagi ng 2003 album ng Parokya na “Bigotilyo.”

Ang sikat nang kanta ay binigyang-buhay din ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose sa kaniyang “Breakthrough” album noong 2018 na umani rin ng milyun-milyong pagtangkilik sa iba’t ibang music platforms.