KALINGA - Tinatayang aabot sa ₱62 milyong halaga ng tanim na marijuana ang nabisto at winasak sa magkakahiwalay na operasyon sa Tinglayan kamakailan.

Sa panayam kay Kalinga Police Provincial Office (KPPO) director Col.Peter Tagtag, Jr., ang operasyon na isinagawa ng magkasanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP)-Special Action Force at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Kalinga ay sinimulan nitong Hunyo 24-26.

Naiulat na 16 na plantasyon ng marijuana ang sinalakay ng mga awtoridad sa Barangay Buscalan, Butbut Proper, at Loccong sa Tinglayan.

Binunot ng mga miyembro ng raiding team ang ₱62 milyong halaga ng marijuana bago ito sinunog.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang may-ari ng mga plantasyon at mapanagot sa batas.