Tinatayang aabot sa ₱105 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon sa Central Visayas nitong Sabado.

Sa unang operasyon, naaresto ng mga awtoridad sina Eric Felisilda, 46, at Neil James Vallesquina, alyas Bolantoy, 28, kapwa taga-Metro Manila, malapit sa Osmeña Wharf sa Barangay Poblacion, Lapu-Lapu City, Cebu, nitong Sabado matapos silang masamsaman ng ₱102 milyong halaga ng iligal na droga.

Mahigit pa sa ₱3 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng pulisya sa limang suspek na naaresto sa Bacong, Negros Oriental; Talisay City, Cebu; at sa Toledo City, Cebu nitong Hunyo 25.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang iba pang kasabwat ng sindikato at mapanagot sa batas.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa pitong suspek.

PNA