Mahigit sa₱8.9 milyong jackpot sa lotto ang tinamaan ng isang taga-Eastern Samar nitong Biyernes ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, nahulaan ng nabanggit na mananaya ang winning combination na28-10-16-03-25-13 sa isinagawang draw nitong Hunyo 24.

Umabot sa₱8,910,000 ang nakalaang premyo para sa nasabing MegaLotto 6/45 draw.

Nabili ang ticket saQuinapondan, Eastern Samar, ayon sa PCSO.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Binobola ang Mega Lotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Sinabi ng PCSO, maaari nang i-claim ang premyo sa central office ng ahensya sa Mandaluyong City, dalhin lamang ang winning ticket at dalawang valid identification (ID) card.

Gayunman, papatawan ng 20 porsyentong buwis ang premyo alinsunod na rin sa ipinatutupad naTax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ayon pa sa PCSO.

Noong Hunyo 17, napanalunan ng isang taga-Malabon City ang aabot sa ₱103 milyong jackpot sa isinagawang bola ng Mega Lotto 6/45.

PNA