Kumpiyansa si outgoing Senator Vicente Sotto na hindi malulustay ang mahigit sa₱111 bilyong coco levy fund.

Ito ay sa kabila ng pangamba ng mga coconut farmers at non-government organizations na hindi mapakikinabangan ng kanilang hanay ang nabanggit na pondo sa pagpasok ng bagong administrasyon.

Nangangamba rin ang mga ito na hindi matugunan ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang hinaing para tamang paggamit ng pamahalaan sa naturang pondo.

Nauna nang nanawagan ang Coconut Industry Reform Movement kay President-elect Ferdinand Marcos, Jr. na talakayin nila ang usapin upang maisapubliko ang hakbang ng gobyerno para matulungan ang industriya.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Gayunman, nilinaw ni Sotto na mayroon na silang malinaw na panuntunan sa naaprubahan nilang panukala kaya naglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order (EO) No. 172 (Coconut Farmers and Industry Development Plan) o CFIDF.

"We have already the guidelines on the coco levy issue when we passed a bill addressing the concerns. That would be a good guide," banggit ni Sotto sa mga mamamahayag.

Sa pamamagitan ng EO ni Duterte, iniutos ni Duterte ang paglikha ng mga bagong programa na aagapayan ng epektibong teknolohiya upang mapaigting ang industriya ng pagniniyog sa bansa.

Layunin din nito na maproteksyunan ang mga magniniyog at kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbuo ngcoconut farmers organization, at maitaguyod ang kanilang produkto.

Babantayan naman ngPhilippine Coconut Authority (PCA) at ng ilang ahensya, ang CFIDP na isasailallim din nila sa pagsusuri taun-taon.