Dahil ayaw niyang mag-alala ang Kapamilya actor-singer, mahigit isang buwan munang itinago ni Bella, baby sister ni Kyle Echarri ang kaniyang kondisyon sa kapatid.

Ito ang ibinahagi ni Kyle sa kaniyang Instagram post, Miyerkules.

“My baby sister Bella has been my world since the day she was born. Just yesterday I was told by my family that my little girl was diagnosed with a brain tumor on May 2nd and she wanted to hide it from me because she said she didn’t want me to get stressed while I was working,” saad ni Kyle.

Dagdag niya, “To say it hurts is an understatement… I love this girl 10x more than I love myself. She has finished her radiation treatment and now I’m asking for everyone’s prayers for my baby sister.”

Karina Bautista, PH navy reservist na

Paglalarawan ni Kyle, si Bella ang pinakamaganda, pinakamatalino at nakamamanghang kapatid na mamahalin niya habambuhay.

Umaasa si Kyle at ang kaniyang pamilya para sa agarang paggaling ni Bella. Hiniling din ng actor-singer ang dasal ng lahat para sa kaniyang nakababatang kapatid.

Ilang kaibigan sa industriya ang nagpaabot din ng suporta at dasal kabilang sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Zephanie Dimaranan, Maymay Entrata, bukod sa iba pa.