Napa-react si dating Ifugao representative at senatorial candidate Teddy Baguilat, Jr. sa balitang pansamantalang pangangasiwaan ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. and Department of Agriculture o DA.

Mismong si PBBM ang nag-anunsyo nito sa isang impromptu press conference kahapon ng Lunes, Hunyo 20, sa BBM headquarters sa Mandaluyong City.

“As to agriculture, I think that the problem is severe enough that I have decided to take on the portfolio of Secretary of Agriculture, at least for now and at least until we can reorganize the Department of Agriculture in the way that will make it ready for the next years to come,” anang president-elect.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/20/president-elect-bongbong-marcos-pansamantalang-pangangasiwaan-ang-da/">https://balita.net.ph/2022/06/20/president-elect-bongbong-marcos-pansamantalang-pangangasiwaan-ang-da/

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Reaksiyon naman ni Baguilat sa pamamagitan ng kaniyang tweet nitong Hunyo 20, "Wow! Big challenges."

"Sobrang mahal na abono, akyat-bagsak presyo ng gulay, pababang fish production dahil sa climate change at pollution and yung pinaka matindi, pangakong P20-peso/kilo rice."

"Kaya, sir?" tanong ni Baguilat. 

https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1538827976816459777?fbclid=IwAR0G-m-PhUTqj6m9LhqFA7TffmgRgU37XEFj0xKNud4xhjkljU925_FKqmw

Samantala, ang incumbent DA Secretary na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019 ay si William Dar.