Patay ang isang Pilipinong abogado nitong Linggo, Hunyo 19, matapos umanong pagbabarilin ang sasakyang sinasakyan niya patungong airport sa Philadelphia, USA.

Kinilala ang biktima na si Atty. John Albert Laylo, 35, mula sa Makati City.

Sa isang tweet ng Consul General ng Pilipinas sa New York na si Elmer Cato, papunta si Laylo sa airport kasama ang kaniyang ina para sa kanilang flight patungong Chicago nang bilang pinaputukan ang sasakyan nila.

Sa anim na balang pinaputok, tumama ang isang bala sa ulo ng abogado habang nagtamo naman ng sugat ang kaniyang ina mula sa nabasag na bintana ng sasakyan. Agad silang dinala sa Penn Presbyterian Medical Center sa West Philadelphia.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Kinumpirma ng kapatid ng abogado na si Thea na pumanaw na ang kaniyang kapatid at patuloy pa rin silang humihingi ng panalangin.

"To all that prayed and kept us close to their hearts, my family is more than grateful. No words can ever justify how appreciative we are for the love that you have extended," ani Thea.

"Unfortunately, my brother has passed. Once again, I am asking you to keep my family in your prayers," pagkumpirma niya.

"I do not want to get into the technicals, but know that my brother fought very hard to be with us. He was listening and is driven by all your prayers! his time on earth may have ended, but his legacy will live on forever.

https://twitter.com/theilaylo/status/1538659468807770118

"His demise is tragic, there is no debate on that. There is nothing that could ever justify how cruel this situation is, but as we think about him, please remember that my brother is as a brilliant man. He is nothing short of exceptional."

Ayon pa sa kaniya, matulungin ng kaniyang kapatid kaya naman ido-donate nila ang mga organs nito sa mga nangangailangan bilang huling misyon nito.

"He will do anything in his power to help. so as one final mission, he will be donating his organs to those who need it. my brother may no longer be with us, but i shall find peace in the thought that at least somewhere in the world, a piece of him is alive and beating," aniya.

https://twitter.com/theilaylo/status/1538661641046200320

Ang abogadong si Laylo ay nag-aral ng political science sa Unibersidad ng Pilipinas at ng law sa De La Salle University.

Siya rin ay naging legal counsel ni outgoing Vice President Leni Robredo sa campaign board of canvassers sa Makati, base na rin sa tweet ng kaniyang kapatid.

https://twitter.com/theilaylo/status/1538359981698756608

Samantala, tiniyak ni Cato na mananatili silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Philadelphia.

“We are saddened by the death of a kababayan in a random shooting incident in Philadelphia. We ask our kababayan to join us in praying for the eternal repose of his soul,” aniya.

“We call on authorities to bring the perpetrator of this crime to justice,” dagdag pa niya.

https://twitter.com/elmer_cato/status/1538381156973961217

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/06/20/ina-ng-namatay-na-pinoy-lawyer-hindi-pa-rin-makapaniwala-sa-sinapit-ng-anak/