Nakiramay rin si Atty. Chel Diokno sa pamilya ng Pinoy lawyer na si Atty. John Albert Laylo o mas tinatawag nilang "Jal."

Sa isang tweet nitong Lunes, nakiramay si Diokno sa buong pamilya ni Laylo. Sana raw ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng abogado.

"Truly saddened to hear the news about the passing of Atty. Jal. My deepest condolences to his family and loved ones. I pray that they may find comfort during this time of grief," ani Diokno.

"I also hope that justice will be served to whoever is behind this gruesome killing... Rest in Peace, Jal," dagdag pa niya.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1538697024039596032

Sa naunang tweet, binanggit ng tumakbong senador na isa si Laylo sa mga naging estudyante niya na nag-aral ng Law sa De La Salle University.

Bukod kay Diokno, nakiramay rin si outgoing Senator Leila de Lima sa pamilya ni Laylo.

“For the bereaved family of Atty. John “Jal” Laylo: My deepest condolences on Jal’s untimely passing. He was so young and still full of dreams,” aniya sa kaniyang tweet nitong Lunes, Hunyo 20.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/20/sen-leila-de-lima-nakiramay-sa-pamilya-ng-namatay-na-pinoy-lawyer/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/20/sen-leila-de-lima-nakiramay-sa-pamilya-ng-namatay-na-pinoy-lawyer/

Samantala, ayonsa Consul General ng Pilipinas sa New York na si Elmer Cato, patuloy pa rin silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Philadelphia.

“We are saddened by the death of a kababayan in a random shooting incident in Philadelphia. We ask our kababayan to join us in praying for the eternal repose of his soul,” aniya.

“We call on authorities to bring the perpetrator of this crime to justice,” dagdag pa niya.