Nangangamba ang isang Filipino-American geologist at dating professor sa University of Illinois at Chicago (UIC) sa plano ng gobyerno na buksan muli ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Sa isang webinar ng grupong AGHAM-Advocates of Science and Technology for the People nitong Sabado, ipinaliwanag ni Dr. Kelvin Rodolfo ang posibilidad na "environment at hazardous threats" ng pag-o-operate muli ng nuclear plant.

Reaksyon ito ni Rodolfo sa pahayag ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. kamakailan na posibleng konsultahin ng gobyerno ang eksperto upang alamin ang sitwasyon ng nuclear plant.

Aniya, malaking problema kung magkaroon ng pyroclastic flow o pagsabog ang Mt. Natib na maaaring maging aktibo dahil malapit lamang ito sa BNPP.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa pag-aaral ni Rodolfo, huling sumabog ang bulkan sa pagitan ng nakaraang 11,000 at 18,000 taon at umabot ang pyroclastic flow nito hanggang Subic Bay sa Zambales.

Ang Mt. Natib aniya ay mayroong limang thermal areas o hot springs.

Paniniyak ni Rodolfo, magiging "ghost town" ang mga bayan sa palibot ng bulkan kapag sumabog ito.

Limang bansa rin aniya ang tumututol sa hakbang ng gobyerno, Kabilang sa limang bansa ang Indonesia, Malaysia, Vietnam, Taiwan at Korea.

"I hope that all of these countries will be so worried so that the international atomic agency will not allow us to open it. Of course the nuclear industry is so crazy, who knows what they can do," paglalahad nito.

Malaking problema rin umano sa kalikasan at seguridad ng mamamayan ang mga kemikal na gagamitin sa operasyon ng nuclear power plant."The biggest problem with the BNPP is 'yung used fuel, after 4-6 years 20 percent of fuel assembly uranium remains, it’s very radioactive," aniya.

Binanggit ni Rodolfo na ang uranium na isa sa mga pangunahing nuclear waste ay tumatagal nghigitisang taon bago lumamig.Kailangan muna rin itong iimbak sa isang enclosed facility dahil kaya nitong makalusaw ng mga bagay atmakalapnosng balat.