Nanalo ng mahigit sa₱9.4 milyon ang isang taga-Cavite sa isinagawang draw ng 6/42 Lotto nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nahulaan ng nasabing mananaya ang winning combination na33-31-13-41-25-18 na may katumbas na premyong₱9,423,997, ayon sa PCSO.

Nabili umano ang ticket sa Amadeo, Cavite.

Pinayuhan naman ng PCSO ang naturang mananaya na magtungo sa kanilang main office sa Mandaluyong City, dalhin lamang ang dalawang valid identification (ID) card at winning ticket upang tanggapin ang premyo.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Noong Hunyo 9, isa ring mananaya na taga-Las Piñas ang nagwagi ng₱12.9 milyong jackpot sa Lotto 6/42 draw.

Binobola ang 6/42 Lotto tuwing Martes, Huwebes at Sabado.