Iniutos ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSSRO) ang pagbibigay ng rebate sa mga kostumer ng Maynilad, partikular sa Muntinlupa, Las Piñas, Malabon, Valenzuela at Quezon City.
Sa pagsusuri ng MWSS, hindi aprubado ng kanilang board of trustees ang ipinatutupad na tax rate ng nabanggit na water concessionaire.
Dahil dito ay magkakaroon ng bahagyang bawas sa bills ng ilang consumers bilang balik bayad.
Sa pagtaya ng Maynilad, nasa ₱2.1 milyon ang maisasauli sa mga kostumer nito.
Noong Marso ay inanunsyo ng MWSS na hindi saklaw ng 12 percent na value added tax ang distribution utilities simula Marso 21, sa halip ang ipapataw na lang sa customers ay ang dalawang porsyentong franchise tax at actual rate ng local franchise tax na parehong ipinatutupad ng mga local government unit (LGU).
Gayunman, kabilang sa siningil ng Maynilad ay ang actual rate ng local franchise tax ng LGU at hindi ang inaprubahang board of trustees.