APARRI, Cagayan -- Dinakip ng mga otoridad ang isang empleyado ng local government unit (LGU) matapos mahulihan ng mga baril, bala, at ilegal na droga sa kaniyang tahanan.

Kinilala ang suspek na si Wilfredo Aguilada II, 40, residente ng Brgy. Maura, Aparri, Cagayan.

Dakong alas 5:00 ng umaga noong Lunes, Hunyo 13, sinalakay ng PNP Aparri, 2nd PMFC,  PIU Cagayan PPO, PDEA RO2 Batanes Provincial Office at Naval Intelligence and Security Unit 12 ang tahanan ng suspek.

Nasamsam ng mga otoridad ang isang itim na sling bag, 31 piraso ng bala para sa 9mm na baril, anim na piraso ng transparent plastic sachet, walong piraso ng maliliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, limang lighter, tatlong aluminum foil, apat na bala para sa caliber .45, isang ARMSCOR 9mm pistol, isang 9mm magazine na may limang bala, isang kulay berdeng sling bag, isang STI EDGE caliber .45 pistol at tatlong caliber .45 magazine nakargado ng labing pitong bala.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang suspek ay mahaharap sa kasong RA No. 10591 and RA No. 9165, ayon sa PNP.