Ibinida ni showbiz columnist Ogie Diaz na may bago siyang binili sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Hunyo 13.

Makikitang katabi si Ogie ng isang kotse na sinasabing isang brand new green Lamborghini. Aniya, deserve naman niyang magkaroon ng ganitong gamit dahil matagal na rin naman siyang kumakayod sa showbiz industry.

"35 years na rin naman ako sa entertainment industry. Kung wala pa akong nararating, nakakahiya naman sa sarili ko. Ibig sabihin, di ko ginamit ang utak ko, ang talento ko, para marating ang kung anuman ako ngayon," ani Ogie.

"Saka deserve ko rin naman ito. Bugbog na yung luma ko. Naghihingalo na, ika nga, kaya dapat nang bumili ng bago."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Namili ako kung anong kulay. Merong red, yellow, black, white, silver."

"Ang tagal ko pang nag-decide."

"Itong green ang napili ko. Masarap sa mata. Lutang na lutang. Mapapansin agad ang bago kong biling charger," ani Ogie.

May be an image of 1 person and car
Larawan mula sa FB ni Ogie Diaz

Marami naman sa mga netizen ang nag-congratulate kay Ogie at nagsabing deserve na deserve daw niya ito.

Hindi na idinetalye pa ni Ogie kung magkano ang eksaktong halaga ng kotseng katabi niya. Ngunit kung sisilipin sa website ng Lamborghini, ang latest na presyo ng mga ganitong uri ng sasakyan ay tinatayang nagsisimula sa $229,495 o mahigit ₱12M sa Pilipinas.

Ngunit wait...

Hindi pala kotse ang binili niya kundi ang hawak na iPhone charger na ipinatong lamang sa green Lamborghini. Marami raw ang hindi naka-gets sa kaniyang biro, ayon sa latest Facebook post ng showbiz columnist.

"Wala po akong Lamborghini. Sineryoso ng iba. Di nila binasa hanggang ending yung post ko, huhuhu! iPhone CHARGER po ang binili ko. Nasa parking lot po ako niyan. Sa Las Vegas. Nag-choose lang po ako ng sasakyang didikitan. Tumabi po ako sa magarang sasakyan na kulay green. Tapos kung isu-zoom in n'yo ang pic sa kamay ko, hawak ko po yung charger. Ayan, in-explain ko na po. Kasi, andaming slowliness is next to loveliness."

"Kahit magkamal po ako ng salapi, hindi po ako mahilig sa high-end na sasakyan. Toyota o Honda lang po ang pinamimilian kong sasakyan. Masaya na ako no’n.Kaya doon po sa mga namba-bash kumbakit iniyayabang ko pa raw ang binili kong sasakyan, kesyo naghihirap na ang bansa, nakuha ko pang iyabang ang sasakyan ko, kesyo yun daw ba ang nabili ko pagkatapos kong mag-campaign for Leni? Hahaha!"

"Ang masasabi ko lang, potah kayo! Hindi nyo iniintindi ang sinulat ko. Yung kabobohan nyo sa panghuhusga ng kapwa ang pinairal nyo. At ang nakakalokah — andaming online news ang pumik-ap ng post ko at seryoso nilang ibinalita na may Lamborghini na ako. Hahaha! Hindi ko kinaya!"

"Pasensiya na kung pang-matalino yung post ko, ha? Kaya palakpak para sa mga tumawa o napangiti ng post ko na yon, kasi matatalino sila. At least, kahit bina-bash ako ng iba, natuwa na din ako kasi — aminin— wala akong nabasang, “Huwag kang mag-ilusyon. Wala kang pera para ibili ng Lamborghini.”

"At least, andun yung feeling na “afford” palang bumili ng Lamborghini ni Ogie Diaz, huh!Habang hindi ko magawang mabuwisit sa mga bashers, dahil mas nanaig sa akin ang awa sa kanila. Again, paki-zoom in uli sa kamay ko," aniya pa.