Masayang-masaya ang aktor na si Diego Loyzaga sa pagkakataong ibinigay sa kaniya upang gampanan ang papel bilang batang Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr, para sa pelikulang "Maid in Malacañang".

Ang award-winning actor at tatay niyang si Cesar Montano ang gaganap naman bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at para naman kay dating First Lady Imelda Marcos, walang iba kundi si beauty queen-turned-actress Ruffa Gutierrez.

Si Cristine Reyes naman ang gaganap bilang batang Imee Marcos at Ella Cruz bilang Irene Marcos.

Sa kaniyang Instagram post nitong Hunyo 12, sa pagdiriwang ng ika-124 Araw ng Kalayaan, sinabi ni Diego na masayang-masaya siyang mapaglingkuran ang mga Marcos. Binigyan siya ng pagkakataong makapagsalita sa isang thanksgiving event kung saan makikita rin ang ilang mga singer na BBM supporter kagaya ni Richard Reynoso at ang inang si Teresa Loyzaga.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Alam ko rin na balang araw, kung puwede kong suportahan ang pamilyang Marcos, susuportahan ko po talaga sila," saad ni Diego Loyzaga. Maririnig naman ang palakpakan mula sa audience.

"Dumating po yung oportunidad na 'yon, at kinuha ko po 'yon, at salamat sa Diyos na binigyan Niya ako ng oportunidad na gampanan si Presidente Bongbong Marcos sa isang role at sa isang pelikula."

"So I'm happy and thankful to be part of this family, tawagan n'yo rin po akong (Marcos) loyalist po, maraming-maraming salamat."