Walang nanalo sa mahigit ₱185 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa isinagawang draw nitong Sabado ng gabi.
Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang number combination na 33-32-08-06-14-05 na may katumbas na premyong ₱185,697,874.00.
Inaasahang madagdagan pa ang premyo sa susunod na bola nito sa Lunes, Hunyo 13 dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mananaya.
Kaugnay nito, wala ring nanalo sa draw ng 6/42 lotto nitong Sabado.
Lumabas ang numerong 02-20-34-40-27-22, katumbas na premyong ₱5,940,000.
Binobola ang 6/42 lotto tuwing Martes, Huwebes at Sabado.