Planong kasuhan ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang isang netizen na may patutsada tungkol sa kaniya at sa gagawin niyang pelikula na 'Maid in Malacañang.'

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Hunyo 9, ibinahagi ni Yap ang screenshot ng post ng isang netizen na nagngangalang Kim Constante. Ayon sa post ni Constante, simula na umano ng History Revisionism. 

"Simula na ng History Revisionism! Let's go! Kung supporter ka ng pedophile-disrespectful-fake news peddler director na 'to, paki unfriend na ko. Thanks!" aniya sa caption nang ishare niya ang isang post tungkol sa pagganap nina Cesar Montano at Diego Loyzaga sa Maid in Malacañang.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

"Hi Kim, thank you for showering my upcoming film with raging emotions, your investment of attention will surely profit my movie; but I would like to correct you, 3 points. 1. I am not a Pedophile 2. I am not a Fake News Peddler 3. I am not to Revise the History," saad naman ni Yap.

"Now, like what you did, let me appeal to your friends, I need the address of Kim— where she resides and where she works, I am just gonna make her realize what is really disrespectful," dagdag pa niya.

Samantala, humingi na ng pasensya si Constante tungkol sa patutsada niya kay Yap. Sa hiwalay na post, inupload ni Yap ang isang screenshot na naglalaman ng apology message ng naturang netizen.

"Hi Direk. Sorry if I offended you in any way. I'm just a normal citizen sharing my thoughts and I didn't expect na it will escalate to this," sey ni Constante.

"The threat and comments i'm receiving from your followers are soo crazy. Nakakaloka. I immediately took down the post na. The post is not even public. Im willing to make amends to fix this," dagdag pa niya.

"Again, I apologize. I hope we settle this privately."

Gayunman, tila buo na ang loob ng direktor na kasuhan siya.

"Kim, idedemanda kita. Pangako," ani Yap.