Sinabi ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. o PBBM na ipagpapatuloy niya ang paggawa ng vlogs sa kaniyang YouTube channel, na magsisilbing platform upang maipaliwanag niya ang mga dahilan ng kaniyang mga desisyon kapag tuluyan na siyang naupo sa posisyon.

“Pinagdesisyon namin na sang-ayon kami sa inyo. Kailangan ko talagang maipaliwanag kung ano yung aming mga ginagawa --- Ipaalam sa inyo kung ano ba, sa inyong palagay, ay ang tama na dapat gawin,” sey ni PBMM sa latest vlog episode na 'BBM VLOG #113: BBM Replies to Comments.

Bukod dito, makatutulong umano ang YouTube channel niya upang malaman ang opinyon, hinaing, at mungkahi ng mga netizen upang mas mapaganda pa ang kaniyang serbisyo-publiko.

"Every so often, mayroon tayong paliwanag doon sa ating mga ginagawa, para hindi lamang sa pahayagan ang inyong nagiging balita, kundi from the horse's mouth, 'ika nga," paliwanag pa ni PBBM.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nagpasalamat naman si President-elect Marcos, Jr. sa lahat ng subsribers sa walang sawa nilang pagsuporta sa kaniya

Ang Bongbong Marcos vlog channel ay may 2.6M subscribers.