Good news para sa mga biyaherong papasok sa Metro Manila via Ninoy Aquino International Airpot (NAIA) ngayong Hunyo!
Libreng sakay sa pamamagitan ng shuttle ang handog ng ride-hailing company na Grab sa mga pasaherong magmumula sa parehong Terminal 2 at 3 papunta sa kahit saang lungsod sa Metro Manila.
Ang inisyatiba ay inanunsyo nitong Biyernes ni Department of Transportation DOTr Undersecretary for Road Transportation and Infrastructure Mark Steven Pastor kasabay ng parehong inisyatiba ng MRT-3 hanggang sa katapusan ng Hunyo.
Magbibigay ng libreng-sakay ang Grab mula Hunyo 15-30.
Dagdag ni Pastor, nasa 100 shuttles ang gagawing available para sa mga pasahero mula ika-8 ng umaga hanggang ika-11 ng gabi sa nabanggit na petsa.
Sa mga nakaantabay na Grab booth sa arrival areas ng paliparan maaaring magpa-book ng libreng sakay.
Nagpasalamat naman ang DOTr sa Grab sa inisyatiba nitong malaking tulong para sa mga commuters.
Nauna nang nagpahayag ng kumpiyansa ang termino ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na tinugunan nila ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng “kumportable at kumbinyenteng pamumuhay” ang mga Pilipino sa pamamagitan ng kanilang mga ipinatayong imprastraktura.