Pinaalalahanan ng isang obispo ng Simbahang Katolika si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na isulong ang kabutihan para sa mas nakararaming Pilipino sa sandaling maupo na siya sa puwesto.
Sa kanyang mensahe para kay Marcos, sinabi ni Tandag Bishop Raul Dael na bilang halal na opisyal at pinili ng mas nakararaming Filipino, kinakailangang maisakatuparan ng bagong pangulo ang pangakong ‘pagkakaisa’ ng buong bansa.
“To the new newly elected president you have been promising us unity and there are no more candidates that we are still considering aside from you. You are the one chosen by a majority of our Filipino people and we hope that you will be sincere in this vision for unity among our people,” ayon pa kay Bishop Dael, sa panayam ng Ronda Veritas nitong Miyerkules, Hunyo 1.
Binigyang-diin pa ng obispo na ang pagkakaisa ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng paglilingkod sa taong bayan, at pagsasantabi ng pansariling interes o interes ng iilan.
“And unity can only be achieved not in pursuing our self-interest and the interest of those people who are close to us but in terms of promoting the common good. It’s the common good that unites us. If we will not promote the common good, we will never achieve that vision of unity,” aniya pa.
Matatandaang si Marcos ay nakakuha ng mahigit 31 milyong boto noong katatapos na May 9 presidential polls, sanhi upang tanghaling susunod na presidente ng Pilipinas.