Wala umanong balak ang kampo ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na baguhin ang mga detalye ng kasaysayan, partikular sa kontrobersiyal at hindi matapos-tapos na usapin tungkol sa naging pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., subalit ibabahagi umano nila ang kanilang 'side story', saad ng kapatid ni BBM na si Senadora Imee Marcos.

Natanong ni ABS-CBN news anchor Karen Davila ang senadora tungkol dito, sa panayam na napanood sa programang 'Headstart' sa ABS-CBN News Channel (ANC) ngayong Miyerkules, Hunyo 1.

"I don’t think that's our effort at all, we will not revise anything, all we we will do is to also make known, make public what we know our side of the story which we have perhaps been remiss in not telling simply because we were scared of the traditional media, of all the abuse, diatribe, the insult," ani Marcos tungkol sa ipinupukol sa kanilang 'history revisionism'.

"So di na, naging tameme na. We'll just tell our side of the story the best we can."

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Inamin din ng senadora na ang pinag-usapang 'Len-Len series' na idinirehe ng direktor na si Darryl Yap ng 'VinCentiments' ay naging paraan niya upang sagutin ang mga isyung ipinukol sa kanilang pamilya.

"I just couldn't let it go. I would need to answer issues because a lie told a thousand times becomes the truth and that’s a dangerous proceeding," aniya.

"It’s very important to me to answer issues, to meet it head on. This is after all Headstart… I think it's also (a) Filipino political tradition that you have satire. You make fun, you take it in jest, it’s important that issues are ventilated and make known and 80.7 million agreed. Ang dami-daming nanood (Many watched) so that was great fun," aniya pa.

https://twitter.com/ANCALERTS/status/1531814940125933569

Nagpasalamat din ang senadora sa landslide victory ni BBM at iba pang mga miyembro ng UniTeam sa nagdaang halalan.

Kaugnay ng panayam na ito, usap-usapan ngayon ang 'pagbibiro' ng senadora kay Karen tungkol sa pagma-migrate umano nito kapag nanalo si BBM sa halalan, bagama't hindi malinaw kung saan ito sinabi o naipahayag ng batikang broadcaster.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/01/karen-davila-biniro-ni-sen-imee-akala-ko-magma-migrate-ka-pag-nanalo-ang-marcos/">https://balita.net.ph/2022/06/01/karen-davila-biniro-ni-sen-imee-akala-ko-magma-migrate-ka-pag-nanalo-ang-marcos/