May tugon na si ABS-CBN news anchor Karen Davila sa trending na video clip ng tila makahulugang biro umano sa kaniya ni Senadora Imee Marcos, nang kapanayamin ng batikang broadcaster ang kapatid ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., sa programang 'Headstart' ngayong Miyerkules, Hunyo 1.

Ang Headstart ay kilalang programa ni Karen tuwing umaga na mapapanood sa ABS-CBN News Channel.

Mapapanood sa kumakalat na video clip na nakangiting ipinakilala ni Karen ang senadora sa kaniyang televiewers. Dito na nagsimula ang kanilang 'biruan'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/01/karen-davila-biniro-ni-sen-imee-akala-ko-magma-migrate-ka-pag-nanalo-ang-marcos/">https://balita.net.ph/2022/06/01/karen-davila-biniro-ni-sen-imee-akala-ko-magma-migrate-ka-pag-nanalo-ang-marcos/

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa YouTube channel naman ng ANC, ganito na umano ang panimula ni Karen sa kanilang panayam.

"Senator, first, congratulations. Congratulations to your brother, to UniTeam and to you as well.”

Sa ngayon ay nasa trending list na ang pangalan ni Karen sa Twitter world, na umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Saad naman ni Karen sa kaniyang latest Facebook post ngayong Miyerkules ng Hunyo 1, "Let me set the record straight on this one. Sen Imee Marcos on #ANCHeadstart joked about me still being in the PH after her brother’s victory to which I replied…

'ALWAYS HOPING FOR THE BEST FOR THE COUNTRY' Yan po ang sagot ko."

Screengrab mula sa FB/Karen Davila

"Napikon po ba ako? Hindi po. Sen Imee Marcos also sent me an apology by text after the show. All good. Salamat!" paglilinaw ni Karen.

Ngayong hapon, nagpakawala naman si Karen ng isang makahulugang tweet.

"In victory, resist the temptation to gloat. Graciousness is a class act," ani Karen. Wala naman siyang binanggit kung para kanino o kung may kinalaman pa ba ito sa trending topic tungkol sa kaniya.

https://twitter.com/iamkarendavila/status/1531913298102620161