Lusot na sa Senado ang mungkahing-batas na doblehin ang buwanang pensyon ng mahihirap na senior citizens sa bansa.
Labing-walong senador ang nag-apruba sa Senate Bill No. 2506 na mag-aamyenda sa Republic Act 7432 (An Act to Maximize the Contribution of Senior Citizens to Nation Building, Grant Benefits and Special Privileges and for Other Purposes).
Hindi na nagkaroon pa ng pagtutol sa isinagawang botohan.
Nakapaloob sa panukalang batas, gagawing₱1,000 ang kasalukuyang₱500 monthly pension allowance ng mga indigent o mahihirap na senior citizen.
Pangangasiwaanna rin ngNational Commission of Senior Citizensang pamamahagi ng pensyon at hindi na makikialam ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nauna nang sinabi ni Senator Joel Villanueva na hindi sapat ang₱500 monthly pension ng mga senior citizens dahil na rin sa taas ng bilihin sa gitna ng pandemya.
Kabilang si Villanueva sa mga senador na nagsusulong sa mungkahing batas.