Umabot na sa₱89.29 bilyong iligal na droga ang nakumpiska ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng anim.
Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Abril 30, kabilang sa nasamsam ang₱76.55 bilyong halaga ng shabu.
Winasak din ng PDEA ang aabot sa8,177.79 kilograms ng shabu, 4,226.08 kg ng marijuana, 21.93 kg ng ecstasy, 534.20 kg ng cocaine, at 3,483.67 kg ng iba pang iligal na droga.
Nalansag din ng PDEA ang 1,156 na drug den at 19 na laboratoryo ng shabu simula Hulyo 2016 hanggang Abril 2022.
Naitala rin ng ahensya ang kabuuang 15,096high-value targets (HVTs) na naaresto sa buong bansa, kabilang na ang6,768 HVTs mula sa high-impact operations; 4,043 target-listed suspects; 1,670 drug den maintainers; 797 drug group leaders/members; 529 government employees; 402 elected officials; 364 foreigners; 295 na kabilang sa wanted lists; 126 uniformed personnel; 78 armed group members; at 24 na kilalang personalidad.
Bukod dito, umabot din sa 341,494 iba pang indibidwal ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.
Sa isang consolidated report, binanggit din na umabot 6,248 na suspek ang napatay sa kabuuang 236,620 anti-illegal drug operations.
PNA