Nagpaabot ng pagbati ang kontrobersiyal na social media personality na si Valentine Rosales sa proklamasyon kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. bilang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas, gayundin sa mga 'Ka-Solid' na bumoto rito.
Ibinahagi ni Rosales ang pubmat ng isang media company tungkol sa proklamasyon ni BBM at nilagyan niya ito ng caption na "Congratulations mga KA-SOLID!!!" na may heart emojis na kulay ng UniTeam (pula at berde).
Sarado ang comment section ng naturang FB post.
Noong Marso ay gumawa ng ingay si Rosales, isa sa mga magkakaibigang inakusahang suspek sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, sa mismong araw ng Bagong Taon noong 2020, na naganap sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.
Ngunit hindi dahil sa naturang kaso kaya muling pinag-usapan si Valentine, kundi dahil sa pagbabahagi ng kaniyang karanasan sa pagbili ng 'Speak Cup' sa isang sikat na convenience store, na napag-alamang sarado naman pala.
Batay sa pagsisiyasat ng Balita Online, napag-alamang kumpirmadong sarado na nga ang branch na tinukoy ni Valentine sa kaniyang post.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/
Dahil dito ay nagkasagutan sila ni 'Pambansang Lalaking Marites' Xian Gaza na nagpa-imbestiga pa umano para lamang patotohanan na wala talagang 7-Eleven branch sa mall na kaniyang binanggit.
Kaagad namang naglabas ng apology si Rosales sa paninira umano sa ibang kandidato.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/18/valentine-rosales-i-realized-my-mistakes-hindi-po-talaga-tama-yung-ginawa-ko-nanira-po-ako-ng-ibang-kandidato/">https://balita.net.ph/2022/03/18/valentine-rosales-i-realized-my-mistakes-hindi-po-talaga-tama-yung-ginawa-ko-nanira-po-ako-ng-ibang-kandidato/
Ngunit bago matapos ang gabi, binitiwan na ni Xian ang pinakamalaking pasabog niya. Aniya, hindi raw totoong Kakampink si Valentine at binayaran lamang daw para isang black propaganda. Ang claim kasi ni Rosales ay isa umano siyang tagasuporta ng Leni-Kiko tandem.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/valentine-bayad-daw-para-siraan-ang-kakampink-community-kampanya-ni-robredo-xian/">https://balita.net.ph/2022/03/14/valentine-bayad-daw-para-siraan-ang-kakampink-community-kampanya-ni-robredo-xian/
Lumabas din sa social media ang mga kuhang litrato nila ni UniTeam senatorial candidate Atty. Salvador Panelo, na nagpatibay umano sa mga alegasyon ni Gaza laban sa kaniya.
Sa isang Facebook post, sinagot niya ang tanong kung paano daw niya hina-handle ang bashing.
"People often ask me if I’m sad? how do I remain strong? How do I handle bashing?" aniya.
"I just smile and accept that this world is cruel and if I get affected easily and feel each and every criticism I would only drown myself to sadness. I no longer feel sadness because I’ve already been through my worsts and lost everything. You can no longer lose if you already lost everything."
"People may say I’m asking for pity or attention and if that’s what they think I don’t even care anymore. Both parents gone, lost a job, lost friends, I no longer have a reputation. I don’t think there’s anything left for me to lose. I know that these are all consequences of the actions I’ve done but please do remember that we are all Humans we make mistakes and without mistakes we can never learn."
"In life we just need to move forward and try to keep a straight face because those challenges will make us stronger. Goodnight."
Maging ang mga kaibigan niyang nadawit sa kaso ni Dacera ay nagbigay rin ng opinyon at mensahe para sa kaniya.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/15/dacera-case-nauungkat-mga-kaibigang-nadawit-nanggigil-tinawag-na-cheap-si-valentine/">https://balita.net.ph/2022/03/15/dacera-case-nauungkat-mga-kaibigang-nadawit-nanggigil-tinawag-na-cheap-si-valentine/
Sa isang TikTok video noong Marso, nabanggit niyang undecided siya kung sino ang iboboto niya pagdating sa pagkapangulo, subalit natitiyak daw niyang ang iboboto niya sa pagkapangalawang pangulo ay si Davao City Mayor Sara Duterte.
Namili siya kung sino kina BBM, Manila City Mayor Isko Moreno, at Senador Panfilo Lacson ang iboboto niya.
Tinawag din niyang 'diktador' ang ilan sa mga Kakampink supoorters.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/17/valentine-undecided-pa-kung-sinong-pangulo-niya-ilang-mga-kakampink-astang-diktador-daw/">https://balita.net.ph/2022/03/17/valentine-undecided-pa-kung-sinong-pangulo-niya-ilang-mga-kakampink-astang-diktador-daw/