Pumanaw na ang batikang aktres at tinaguriang “Queen of Philippine Movies” na si Susan Roces ngayong Biyernes, Mayo 20.

Ang ulat ay kinumpirma ng showbiz insider na si Ogie Diaz.

Isang Facebook post din ang ibinahagi ng pamangkin ng aktres na si Lawrence Cruz Sonora ngayong Biyernes.

“RIP Mama Inday,” ani Lawrence, anak ng aktres na si Rosemarie Sonora, nakababatang kapatid na babae ni Susan na pumirmi na sa Amerika.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Bago tumatak ang karakter ni Susan sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, ang beteranang aktres ay marami na ring ginampanang karakter sa totoong buhay.

Sa edad na 80, ang showbiz icon ay nakapaghakot na ng hindi mabilang na pagkilala kagaya ng mga pelikulan inambag sa bansa.

Ang kanyang karera ay nagsimula noong 1952 nang unang bumida sa pelikulang “Mga Bituin ng Kinabukasan.”

Si Susan, ang asawa ng yumaong si Fernando Poe Jr., ang adoptive mother ni Sen. Grace Poe.