BAGUIO CITY – Ikinasaya ng Bureau of Internal Revenue - Cordillera Administrative Region (BIR-CAR) na mapabilang sa top 10 na may pinakamataas na koleksyon sa buong bansa dahil sa kanilang tax collection performance noong 2021 at lumampas pa ang kanilang collection target ng mahigit ₱400 milyon o halos 10 porsyento mula sa kanilang target.

“Masaya tayo at maipagmamalaki ng ahensya na mapabilang tayo sa Top Ten sa buong bansa na may mataas na koleksyon at lumagpas pa sa target noong 2021 at sa kabila ng pandemya ay hindi tayo nagpabaya na maingat natin ang koleksyon sa buong rehiyon,” pahayag ni Douglas Rufino, regional director.

Ayon kay Rufino, ang kanilang target collection para sa 2021 ay₱5.5 bilyon,pero dahil sa kasipagan ng bawat lalawigan na maingat ang tax collection ay nakalikom sila ng kabuuang₱5.9 bilyon buwis.

Aniya, ang pagtutulungan sa pagitan ng ahensya at ng mga nagbabayad ng buwis ang dahilan para maingat ang koleksyon. "Hindi sagot na isara ang isang negosyo para pursigihin na magbayad ng buwis, kundi bigyan natin sila ng pagkakataon na makarekober at unti-unti nilang bayaran ang kanilang obligasyon sa gobyerno,” pahayag pa ni Rufino.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Mula 2021 record, ang Baguio City District Office ay nakuha ng 6.77% mula sa kabuuang koleksyon; Abra, 6.9%; Benguet, 5.5%; Mountain Province, 7.07%; Kalinga-Apayao, 5.59%; at Ifugao, 4.13% - ay may positibong data ng koleksyon.

Ang nasabing koleksyon ay mula sa excise tax, income tax, value-added tax, porsyento ng buwis, at iba pang mga buwis, kung saan ang buwis sa kita ay nagtatala ng karamihan sa koleksyon.

“Bagama't mababa sa target na koleksyon mula sa excise, porsyento, at iba pang buwis, dahil sa unti-unting pagbubukas ng mga industry ng turismo na karamihan ay nagsara dulot ng pandemya ay nakakuha pa rin tayo ng koleksyon kahit mababa,” ayon kay Rufino.

Sa talaan, ang koleksyon mula sa excise tax noong 2021 ay nagpakita ng negatibong 10.4% na kakulangan; negatibong 19.10% para sa porsyento ng buwis at negatibong 15.95%.

Sinabi ni Rufino na ang koleksyon mula sa Baguio City ay higit sa 70 porsiyento ng kabuuang koleksyon ng rehiyon. Nakakolekta ang Baguio ng₱2.93 bilyon mula sa target nitong koleksyon na₱2.85 bilyon noong 2021.

Ang isang labis na koleksyon ay nai-post din noong 2020 nang ang rehiyon ay nakakuha ng₱470 milyon na higit pa o 8.51 porsyento na mas mataas kaysa sa layunin nito.

Sa taong 2022, target ng ahensya sa rehiyon ang₱7.1 bilyon tax collection at sa nakalipas na apat na buwan pa lamang aynakakolektana sila₱2.38 bilyon.