Nag-react ang showbiz columnist na si Ogie Diaz sa naging pahayag ng Cebu Pacific na humihingi ng paumanhin kay Vice President Leni Robredo hinggil sa akusasyon ng isang piloto laban sa kaniya.
Sinabi ni Ogie na dapat alisin na sa trabaho ang empleyadong sangkot bilang "warning" na rin sa iba pang empleyado.
"'Yun lang 'yon? Di ba dapat alisan ng trabaho para maging warning sa ibang empleyado na yung kagaguhan nila ay ikakawala nila ng trabaho. Para nag iingat na next time," tweet niya nitong Miyerkules, Mayo 18.
Noong Martes, May 17,kinumpirma ni Captain Sam Avila, Vice President for Flight Operations, na walang basehan ang akusasyon ng sangkot na piloto kay Robredo.
“Since becoming aware of the social media post by one of our pilots in reference to a flight of Vice President Leni Robredo, I confirm that the pilot has made it clear to us that he had no basis for his claim and was purely speculative and careless on his part,” paliwanag ni Avila.Kasabay nito ay ang paghingi ng paumanhin kay Robredo at sa publiko.
“While the pilot posted his commentary on his own accord, a post he has since removed, on behalf of Cebu Pacific, and as Head of our Pilot Group, I take command responsibility and apologize unreservedly to the Vice President and the general public for the actions of our pilot,” aniya.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/17/cebu-pacific-air-humingi-ng-paumanhin-kay-vp-robredo-sangkot-na-piloto-parurusahan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/17/cebu-pacific-air-humingi-ng-paumanhin-kay-vp-robredo-sangkot-na-piloto-parurusahan/
Itinanggi rin ng Office of the Vice President (OVP) ang alegasyon ng piloto na nagsasabing hiniling ni Robredo ang priority landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang buwan.
Sinabi ng OVP ay hindi ito kailanman nangyari at ang post nung umano ng nasabing piloto ay isang "malicious fabrication."
“During her entire tenure as Vice President, VP Leni has never asked to be prioritized for taking off or landing when traveling by air. Any claim to the contrary is a lie,” dagdag pa ng OVP.