Umaabot sa 10.9 milyong Pinoy ang nagsasabing sila ay "mahirap" sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at unti-unting pagbangon ng bansa sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19), ayon sa Social Weather Station (SWS).
Ito ang natuklasan sa isang isinagawang survey na isinapubliko ng SWS nitong Miyerkules kung saan binanggit na 43 porsyento ng mga Pinoy ang nagsasabing sila ay mahirap habang ang 23 porsyento naman ay nagsasabing hindi sila mahirap.
Aabot naman sa 34 porsyento ng 1,440 adults na tinanong o sumalang sa face-to-face interview na isinagawa sa pagitan ng Abril 19 at Abril 27 ang nagsasabing sila ay nasa hanay ng borderline poor o nasa gitna lang.
Bukod dito, binanggitdin ng SWS na 6.1 porsyento ng mga pamilya ay pawang"newly poor" o hindi naghikahossa nakaraang apat na taon.
Matatandaang umabot sa 10.7 milyong Pinoy ang nagsasabing sila ay mahirap noong Disyembre ng nakaraang taon.