Pinatutsadahan ng showbiz columnist na si Ogie Diaz ang mga 'trolls' dahil sa mga pahayag umano ng mga ito na pa-US-US na lamang daw si Vice President Leni Robredo.
"Buti pa daw si VP Leni, pa-US-US na lang habang ang mga supporters daw eh nabibilad sa araw dito," sey ni Ogie sa isang tweet nitong Lunes, Mayo 16, matapos pumutok ang balitang pupunta sa USA ang pamilya Robredo.
"Huh? Tutal, mga troll kayo, kayo nakaisip eh 'di payungan n'yo," saad pa niya.
Nasa Estados Unidos na ngayon sina Vice President Robredo kasama ang kaniyang mga anak na sina Aika, Tricia, at Jillian para dumalo sa graduation ni Jillian sa New York University ngayong linggo.
Nag-update rin si Robredo sa kaniyang Instagram story niya.
Isa si Ogie Diaz sa mga certified Kakampink celebrity na nagtanggol sa Leni-Kiko tandem magmula day 1 hanggang sa pagtatapos ng halalan.
Sa pagkalamang umano ng boto ng UniTeam standard bearers na sina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice president at Davao City Mayor Sara Duterte, tanggap na umano ito ng Kakampink showbiz columnist, ayon sa kaniyang Facebook post noong Mayo 11, 2022.
“Iyak kayo ngayon. Talo Mama Leni n’yo.”
“O, ano na? Nanahimik kayo ngayon? Di ba, kayo diyan ang maiingay?”
“Madalas, ‘yan ang nae-encounter kong comments. Tina-tag pa ako ng ilang supporters ni BBM. Pag sinilip mo ang mga accounts, kung hindi nagtatrabaho sa crusty krab, may picture na nakikipag-inuman sa kalye habang hubad baro; o kaya naman, walang personal na post para sa kanilang kandidato sa kanilang socmed accounts at papalit-palit lang ng profile pic. Sila yung masisipag lang dumayo at mag-comment sa mga posts mo," sey ni Ogie.
Basahin ang buong pahayag:https://balita.net.ph/2022/05/12/ogie-diaz-tanggap-na-kung-bbm-sara-ang-nanalo-pero-may-pakiusap-sa-uniteam-supporters/