Tila tinalakan ng batikang showbiz columnist na si Lolit Solis ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes dahil sa naging pahayag nito na dismayado siya sa resulta ng eleksyon.

"O nakita mo na Salve kung ano nangyari sa pagiging atrebida ni Andrea Brillantes," panimula ni Lolit sa kaniyang Instagram post noong Biyernes, Mayo 13.

Saad pa niya, inalis daw umano si Andrea ng isang salon na kung saan nakakakuha siya ng libreng service.

"Pati salon daw kung saan nakakakuha siya ng libreng service inalis daw siya dahil sa pagtawag niyang bobo sa mga supporters ni BBM," anang showbiz columnist.

"Kung big star si Andrea baka pinalagpas pa iyon, pero dahil isang wala naman ningning na baguhan, talagang snob ang treatment sa mga arte niya.Sabi ko nga, lahat kaya mo pag meron kang star power, pero kung isa ka lang wannabe hindi ka nila palalagpasin sa mga kagagahan mo," patutsada pa niya.

Saad pa ni Lolit, baka raw manatiling bituing walang ningning si Andrea kung magpapatuloy siya sa ginagawa nito.

"Know your place, your ranking, your level, bago ka magbitaw ng anuman salita. Palagay ba ni Andrea Brillantes nakatulong siya kay Leni Robredo? Baka nga nakabawas pa siya ng boto.

"Now, aral na ito para sa lahat, totoo, ipaglaban mo ang choice mo, huwag kang patalo. Pero maging maingat ka rin at sana nakatulong ka nga sa gusto mong kandidato. Saka huwag OA, tignan mo, mukha kang engot dahil hindi ka sineseryoso, kasi nga, susuporta ka pa lang OA ka na, 'di lalo na 'pag nandoon ka na," paglalahad pa ni Lolit.

"Baka manatili kang Bituin Walang Ningning Andrea Brillantes, hanap ka na lang uli ng free make up service, sayang din iyon libre, hah hah hah. Or else, manghiram ka na lang ng make up sa mga Pink ladies, mas bongga," aniya.

Matatandaan na nagpahayag ng pagkadismaya si Andrea Brillantes sasa resulta ng partial at unofficial results ng halalan.

“Wala na akong pake sa respect my decision eme na ‘yan! Sorry pero nakaka-disappoint kayo! Hindi na tayo natuto!” aniya.

Basahin ang buong pahayag:https://balita.net.ph/2022/05/11/first-time-voter-na-si-andrea-brillantes-dismayado-sa-resulta-ng-halalan-hindi-na-tayo-natuto/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/11/first-time-voter-na-si-andrea-brillantes-dismayado-sa-resulta-ng-halalan-hindi-na-tayo-natuto/

Hindi ito ang unang beses na pinatutsadahan ni Lolit si Andrea. Matatandaan na pinuna ng showbiz columnist ang 'gimmick' umano ng Kapamilya actress pagdating sapormahan, pag-aayos sa sarili, at mga ‘gimmick’ nito.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/05/lolit-sinita-ang-mga-gimmick-ni-blythe-maging-brilliant-sana-ang-andrea-brillantes/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/05/lolit-sinita-ang-mga-gimmick-ni-blythe-maging-brilliant-sana-ang-andrea-brillantes/

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/05/13/ceo-ng-isang-beauty-product-kukuning-endorser-si-kitty-duterte-andrea-itsapuwera-na/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/13/ceo-ng-isang-beauty-product-kukuning-endorser-si-kitty-duterte-andrea-itsapuwera-na/