Isa si Rica Paralejo na halo-halo ang naramdamang emosyon kasunod ng hindi pa rin natatapos na eleksyon.
Sa isang Facebook post, Martes, ibinahagi ng aktres ang kanyang saloobin sa tila napipintong pagkapanalo ng UniTeam tandem nina Bongbong Marcos Jr. at Inday Sara Duterte sa dalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan, ayon sa pinakahuling partial and unofficial tally of votes ng Commission on Elections (Comelec).
Si Rica ay kilalang tagasuporta ni Vice President Leni Robredo at running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan.
“Maraming malungkot, maraming masaya. May mga galit. Ako parang naghalo-halo na. Kaya nagpapasalamat ako sa mga taong nakakaintindi ng motions of my heart. Nagpapasalamat din ako sa mga natutunan ko in this season, mga na-clarify ko,” mababasa sa post ni Rica kalakip ang larawan ng kanyang pamilya.
“May mga bagay man akong hindi ako agree o maintindihan, hindi ko din naman maiaalis na sa gitna ng mga ito ay may magaganda din akong natuklasan. May mga naredefine din ito sa goals ko sa buhay, at narediscover akong pagmamahal sa Pilipinas,” dagdag niya.
Pinasalamatan din ng aktres ang mga nakasama niyang tumindig at iginalang ang pagkakaiba ng mga Pilipino.
“Thank you sa lahat ng tumindig together. Thanks din sa mga respectful and those who tried to understand the nuances of being a Filipino, being a Christian in this time.
“Medyo humupa na ang initial feelings but also so affirmed naman about the decisions I’ve been making in recent months. It has been truly helpful to see all this. I hope that it did the same for you, too. Na may naitulong parin ito sa buhay mo miski papano,” dagdag ni Rica.
Isang virtual hug din ang ipinaabot ni Rica sa kapwa Kakampinks.
“Kaway-kaway sa aking mga kakampinks, YAKAP! ”