May mensahe si Megastar Sharon Cuneta sa mga botante ngayong Lunes, Mayo 9.

Makikita ang litrato nila ng mister na si vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan.

"Today is the day that we have all been waiting for. Para ito sa mga anak natin at mga kapwa Pilipino sa buong mundo," ayon kay Mega.

"Today we all line up as responsible citizens of the Philippines and we pray that God will bless our country with leaders who will do what is best for all of us."

Naispatan silang dalawa ng mister na nakalinya sa Inchican Elementary School sa Silang, Cavite para sa kanilang pagboto.