Inamin ni Kapuso teen star Kyline Alcantara na hindi pa siya makakaboto sa darating na halalan, subalit isa siyang Kakampink.
Gayunman, lubos umano ang pasasalamat niya sa mga botanteng tumitindig umano para sa magandang kinabukasan ng kaniyang henerasyon.
"Hindi man ako makakaboto ngayong eleksyon pero ang aking taos pusong pasasalamat para sa mga tumindig, tumintindig at patuloy na lumalaban para sa magandang kinabukasan sa aming henerasyon. Maraming Salamat po at babaunin ko ang istorya ninyo sa panahon na ako ay makakaboto na…" saad ni Kyline sa kaniyang tweet nitong Mayo 6.
Sa isa pang tweet, ginamit ni Kyline ang hashtag na #IpanaloNaNa10Ito.
"…Kaisa po ninyo ako sa panalangin sa paglaban at pagmamahal sa ating Inang Bayan. 💕🌸💖," saad niya.
Niretweet din niya ang isang post tungkol sa sortie ng Leni-Kiko tandem sa Naga City.
"Seeing this sea of people is making my Bicolana heart happy and proud. Salamat po sa inyong lahat. #NagaIsPink," pahayag niya.
Si Kyline ay kasalukuyang 19 anyos at isa lamang sa mga celebrity na nagpahayag ng suporta kay VP Leni Robredo.