Nadagdagan na naman ang suplay ng bakuna ng pamahalaan matapos dumating sa bansa ang karagdagang 465,600 na doses ng Pfizer vaccines nitong Huwebes ng gabi.

Kabilang lamang ito sa 499,200 doses ng Pfizer vaccine na binili ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng World Bank.

Nitong Miyerkules, unang dumating sa bansa ang 33,600 doses nito.

Kaagad na idiniretso ang bakuna sa cold storage facility ng Department of Health (DOH).

Nilinaw ng DOH, ang mga ito ay laan lamang sa pediatric vaccination sa bansa.

Kaugnay nito, nanawagan muli ang DOH sa publiko o sa mga hindi pa nababakunahan na magpaturok na laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) para na rin sa kanilang proteksyon.