Nagbabala ang independent presidential candidate na si Senator Panfilo Lacson laban sa pagpili ng mga "magnanakaw, incompetent o incoherent" na mga kandidato sa halalan upang hindi mabigatan ang bansa sa kanilang uri ng pamumuno kung sila ay mananalo.

"Kung sakaling ang ating maboto ay magnanakaw, anim taon tayong pagnanakawan. Pag ang ating naboto mapagkunwari at mapaglinlang, anim taon tayong lolokohin. Pag ang ating naboot, kulang kulang sa pag-iisip, anim taon tayo palubog ng palubog," ani Lacson nang dumalaw sila sa Mindoro Oriental.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng 67 milyong Pilipinong botante na bumoto sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 9.

"Napakaimportante po isang araw yan para sa loob ng tatlo, anim na taon, tayo ang hari, tayo ang bida at tayo ang pipili sino mamuno sa ating bansa sa susunod na tatlo, anim taon," dagdag nito.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Samantala, ang running mate ni Lacson na si Senate president Vicente Sotto III, ay nanatili sa Maynila kung saan nilagdaan niya ang 128 na panukalang batas.

Ang senatorial candidate na si dating police chief Guillermo Lorenzo Eleazar naman ay nangampanya sa Cavite na nauna na niyang binisita noong Disyembre 2021 at nagsagawa ng dayalogo sa kanyang mga tagasuporta.

"Itong pagbaba natin sa mga komunidad ay isang paraan ng pagbabawas para malaman ang hinaing ng mga kababayan," ani Eleazar