May patutsada ang disc jockey na si Mo Twister tungkol sa hindi pagdalo ni presidential aspirant at dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., sa mga naganap na presidential debate.

Nangyari ang pahayag na ito matapos kumalat sa social media ang video ni Marcos Jr. kung saan hindi siya nakasagot sa tanong ng mamamahayag ng isang international news outlet.

"At least he didn’t lie. He could have told the truth and said, “I can’t be trusted.” But he didn’t, he evaded the question. At least he didn't lie," saad ni Mo Twister nang i-retweet niya ang nasabing video.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

https://twitter.com/djmotwister/status/1516786221699125250

Sa hiwalay na tweet, may patutsada si Twister tungkol sa hindi pagdalo ni Marcos Jr. ng mga debate.

"Bongbong Marcos doesn’t want to go to debates because he’s never been to a job interview. He’s never been an employee. Never been an employer. Never been accountable. Never had to answer to anyone but his dictator father," aniya.

"So why would he go to a job interview for our country?" dagdag pa niya.

https://twitter.com/djmotwister/status/1516786752039514116

Matatandaan na hindi dumalo si Marcos Jr. sa ilang mga nagdaang presidential debate. Ang dinaluhan niyang debate ay ang SMNI-sponsored debate kung saan hindi dumalo sina Vice President Leni Robredo, Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Gayunman, sinagot na ng presidential aspirant noong nakaraang buwan kung bakit hindi siya dumadalo sa mga debate.

“Ang dami-daming debate. Dati isa lang, Comelec. So 'yon ang pupuntahan naming lahat. But if there’s so many debates, pare-pareho na ‘yong tanong, we are not getting anywhere anymore. And if it is going to be that way na pare-pareho na lang and then wala, the debate gets personal. What use is that to anyone?”