Sinabi ni presidential aspirant at dating Defense Secretary Norberto Gonzales na wala silang intensyon na pag-withdrawhin si Vice President Leni Robredo, aniya baka na-carried away lamang si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Sinabi ng dating defense secretary na ang intensyon ng joint press conference nila nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Senador Panfilo "Ping" Lacson noong Linggo, Abril 17, ay i-anunsyo na hindi sila aatras sa kanilang kandidatura sa pagka-pangulo.

"The intent of the conference is just to tell the public that despite the appeal to us of withdrawal, nobody is withdrawing,"ayon sa panayam ni Gonzales sa ANC Headstart ng ABS-CBN nitong Martes, Abril 19.

Wala raw sa kanilang intensyon na pag withdrawhin si Robredo. Aniya, maaaring na-carried away lang si Domagoso.

"There was no intention of asking the Vice President to withdraw. I think Mayor Isko might have been carried away... there was no agreement whatsoever that we will ask anyone to withdraw," anang dating defense secretary.

"Si Mayor Isko medyo natangay siguro sa sentiment," dagdag pa niya.

Tungkol naman sa pahayag niyang dapat palitan ang number 2 sa survey, paglilinaw ni Gonzales, ina-addresslamang niya ang publiko.

"I was actually addressing the public. The distance of survey between 1 and 2 is quite big. In a contest like this syempre tinitingnan mo na lang sa contest yung 1 and 2, nawawala na yung 3, 4, 5, 6-- nawawala na sa eksena," aniya.

Nais lamang niya umano i-point out ang mga "possibilities available" sa mga tao para magbago ng kanilang "perspective."

Gayunman, humingi ng paumanhin si Gonzales kay Robredo.

"If you meet the Vice President, tell her I'm sorry. Yes, I'm apologizing to her because what we need is something better after the elections,"aniya.

Matatandaan na kinumpirma ni Senador Panfilo Lacson na ideya lamang umano ni Domagoso ang tungkol sa nabanggit nitong magwithdraw na si Robredo.

Sa isang ambush interview kay Lacson at kay Senate President Vicente Sotto III, itinanong sa kanya kung kay Domagoso lamang ba ang ideyang “magwithdraw” si Robredo sa kandidatura nito.

“Sinabi naman niya ‘yun, siya lang,” maikiling pahayag ni Lacson.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/17/withdrawal-ni-robredo-idea-lang-daw-ni-isko-lacson/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/04/17/withdrawal-ni-robredo-idea-lang-daw-ni-isko-lacson/